Limang Suspek Sa Pananaksak Sa Binatilyo Sa Butuan City, Hemas Rehas Na!

1
Limang suspek na sangkot sa pananaksak sa isang binatilyo sa Butuan City ang nag-hemas rehas. Wala palang isang araw ay nahuli na ng mga tauhan ng Butuan City Police Office Station-1 ang limang lalaking sangkot sa pagpatay kay Jaymart Tapic Roldan, 23-anyos at nakatira sa Davao City.


2
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang limang suspek na sina: Neil Adrian Plaza Sabornido, 23 years old Hudson Rudillas Zoilo, 18; Joviz Adrain Borbon Santos, 23; Mark Genesis Quianbao Asido, 22; at Mark Cala Magallanes, 22.

Narekober sa isa sa mga suspek ang balisong na ginamit sa pananaksak Kuwento ng isa sa mga kaibigan ng biktima, umawat lang siya nang mapaaway ang grupo nila sa isa pang grupo sa loob ng bar.


3

Napag-alaman namang ang lalaking nanaksak sa biktima ay hindi kabilang sa anumang grupo at basta nakisali na lang sa gulo.


Natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng isang video na in-upload ng netizen sa social media.

PANOORIN ANG VIDEO:

No comments:

Powered by Blogger.