HIRIT NI VP LENI | ‘PINAS, BALOT NG KADILIMAN

1
MALAYO umano sa katotohanan ang naging pahayag ni Vice-President Leni Robredo kaugnay sa sitwasyon umano ng bansa sa kasalukuyan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr., ‘out of touch’ ang pahayag ni Robredo sa anibersaryo ng Liberal Party.

“With all due respect to the vice-president, we find Ms. Robredo’s remarks during the  anniversary of the Liberal Party completely out of touch with the existing  realities on the ground,” ani Roque.

“The darkness that Vice-President Robredo may be referring to perhaps pertains to the future of those discredited politicians who wish to return to power,” dagdag pa ni Roque.

Sa  naging  anibersaryo ng Liberal Party, sinabihan ni Robredo ang mga miyembro ng partido na huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng ‘kadiliman’ umano na pumapalibot sa bansa.

“Many ask us if there is still hope, where we are headed. Darkness envelops us. But we should not lose hope. Our party history is about fighting,” ani Robredo.

Dahil dito, inisa-isa  ni Roque  ang naging achievements ng kasalukuyang administrasyon kung saan ang Pilipinas ang third happiest country sa buong mundo  at fifth highest country na positibo sa ekonomiya batay sa Gallup International.

Sinabi rin ni Roque ang resulta ng ilang Social Weather Stations (SWS) surveys na nagpapatunay na mayorya ng mga Pilipino ay puno ng pag-asa sa pagpasok ng Bagong Taon at iilan sa pamilyang Pilipino ay ikinokonsidera nilang kabilang sila sa sektor ng mahihirap.

“People’s high levels of hope and optimism have been complemented by high satisfaction, approval, trust ratings. Including the last quarter 2017 SWS survey that found more than eight out of ten Filipinos trust the president,” dagdag pa ni Roque.

No comments:

Powered by Blogger.