"Piso Para Kay Leni" Campaign, Iligal! Ibinasura Ng Korte!


Hindi pinayagan ng korte suprema ang paandar ng mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo na "Piso Para Kay Leni" Campaign. Layon kasi ng kampanya na tulungan si Robredo sa pagbabayad ng legal fees sa kinakaharap nitong kaso kaugnay sa isinampang electoral protest ni former senator Bongbong Marcos. Matatandaang nagulat ang sambayanan noong madaling araw pagkatapos ng eleksyon 2016 nang biglang dumami ang boto ni Robredo.

Ang ibinasurang kampanya ay pinangunhan nina Museo Pambata Founder Christina Lim-Yuson, dating human rights commissioner Paulynn Sicam, ex-PAG-IBIG Fund CEO Zorayda Amelia Alonzo, mang-aawit na si Celeste Legaspi-Gallardo, Ateneo de Manila University Press director Karina Bolasco, at ex-social welfare Secretary Dinky Soliman.

No comments:

Powered by Blogger.