Pangulong Duterte sa resignation ni Paolo: “Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo!”


Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya inudyok ang anak na si Paolo upang magbitiw bilang Bise Alkalde ng Lungsod ng Davao.

Pero ayon sa Pangulo, binigyan niya ito ng payo ngunit hindi pinigilan sa mga magiging desisyon nito.

Inamin ng Pangulo na kumunsulta muna sa kaniya ang anak bago gumawa ng desisyon at sinabi niya kay Paolo na nasa posisyon na ito upang gawin ang tama at kung sa tingin ng anak ay tama at nararapat para sa lahat ang pagbitiw sa pwesto ay hindi niya ito pipigilan.

“You are in a position to do what is right. Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo. I never suggested any resignation,” ani Pangulong Duterte.

Niniwala din ang Pangulo na ang puno’t dulo ng pagbibitiw ni Paolo sa pwesto ay ang pagkakadawit nito sa P6.5 bilyong shabu shipment sa Bureau of Customs at ang kontrobersyal na pictorial ng anak na si Isabelle sa Palasyo ng Malacanang.

Dagdag pa nito, maaring napuno na si Paolo sa mga kinasasangkutang kontrobesiya.

Siguro ‘yung sa anak niya, ‘yung pictorial.  Baka nasaktan din siya noong ‘yung mga insinuation about ‘yung sa… Napuno na siguro. Pinatawag sila sa Congress for nothing. Sabi ko, ‘Well, let the people decide. But if you think that there is a better (way) to do it, do what is right.’ ‘Yun lang,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Kahapon emosyonal na inanunsyo ni Paolo ang kaniyang resignation sa isang special session ng Davao City council kasabay ng pagdiriwang ng araw ng Pasko.

No comments:

Powered by Blogger.