Bulok na TV station ng Pamahalaan noon, “world class” na ngayon


Bago matapos ang taong 2017, ibinida ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang iba’t-ibang pagbabagong nangyari sa kanilang hanay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa higit pitong minutong video clip na inilabas ng official Facebook page ng PCOO, inisa-isa nito ang lahat ng magandang pagbabago na naganap sa ahenya sa loob lang ng taong 2017.

Kabilang dito ang mas pinalakas na pwersa ng People’s Television Network o PTV Channel 4 kung saan ang dating 25,000 watts na transmission ay aabot na sa 55,000 ngayon na halos kaya ng makipagsabayan sa mga government network sa ibang bansa.

Ayon sa PCOO, sa pagpasok ng 2018 ay inaasahang mas palalakasin pa ang PTV sa 120,000 kilowatts upang mas lumawak ang maabot ng mga balita sa bansa.

Ibinida rin ng PCOO ang pag-usbong ng rating ng Radyo Pilipinas sa ilalim ng Philippine Broadcasting Service o PBS, ang opisyal na radio station ng Pamahalaan kung saan mula sa dating zero-rating ay nasa number 7 na ito ay kaya ng makipagsabayan sa ibang nangungunang AM radio ng bansa.

Unti-unti na ring nabibigyan ng halaga ang Philippine Information Agency (PIA) at News and Information Bureau.

Sa ilalim ng administrasyong Duterte ay nagkaroon din mas malawak na coverage ang mga inihahatid na balita ng PCOO sa pamamagitan ng pagkakaroon ng video streaming at social media.

Ibida din ng PCOO ang iba’t-ibang kampaniya sa ilalim ng kanilang ahensya na nakakatulong upang malaman ng publiko ang mga programa ng Pamahalaan. Kabilang sa mga kampaniyang ito ay ang Dutertenomics, Defend Public, #RealNumbersPH, Asean 2017, Task Force Bangon Marawi, E-power Mo, Biyaya ng Pagbabago, at Rehabinasyon.

Inisa-isa din ang mga groundbreaking policy ng PCOO na naglalayong ayusin ang pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko. Ilan sa mga polisiyang ito ay ang Freedom of Information (FOI) program, Presidential Task Force on Media Security, Malacanang Museum on Google Arts and Culture, at Provincial Communication Officers Network (PCO Net).

Ipinakita din ng PCOO ang planong Government Satelite Network sa susunod na taon na naglalayong makapag-transmit ng mga larawan, video, audio at iba pang data content sa malalayong isla sa bansa pati narin sa mga liblib na lugar at sa abroad.

No comments:

Powered by Blogger.