Trillanes, Kinasuhan Na Ng Libel Si ThinkingPinoy "Sinisira Niya Pangalan Ko"


"Being a very vocal and staunch critic of President Duterte, of whom Respondent Nieto is a self-confessed diehard supporter and defender, Respondent Nieto’s post was clearly made solely for the purpose of besmirching my reputation and maligning my name,"

Ito ang naging pahayag ni Senador Antonio Trillanes nang samapahan niyang ng libelo ang prominenteng blogger na si RJ Nieto o mas kilala sa tawag na "ThinkingPinoy". Ang kasong inihain ni Trillanes ay nag-ugat sa pag-sipi ni Nieto sa column ni Al Predroche ng PhilStar. Sa nasabing column, ikinuwento ni Pedroche na tinawag diumano ni US President Donald Trump na "lil narco" o drug lord si Trillanes. Humingi na ng paumanhin si Pedroche kay Trillanes matapos mag-viral ang kanyang isinulat.

Bumuwelta naman si ThinkingPinoy sa paghahain ni Trillanes ng libelo laban sa kanya. Sa isang post, sinabi ng blogger na dapat ay pinagsa-psychiatric test ang mga senador. Malinaw na patama kay Trillanes.

Nakakapagtaka lang na itinuloy ni Trillanes ang pagkakaso ng libel kay ThinkingPinoy. Eh alam naman ng lahat na ibinahagi lang ng blogger ang nilalaman ng column ni Pedroche. Kung humingi na ng paumanhin si Pedroche, dapat ay doon na matapos ang isyu at hindi madadamay ang ibang nag-share ng column ni Pedroche. Tutal si Pedroche naman talaga ang pinagmulan ng istorya.

No comments:

Powered by Blogger.