OMG! Kris, nagbanta ng ‘worst nightmare’ sa mga Aquino haters


Kris nagbanta ng worst nightmare sa mga Aquino haters

‘For my ate I will take a bullet!’ – Kris

HINDI pa masyadong lumalamlam ang isyu ni Kris Aquino sa ‘Fake News’, may pinatatamaan na naman ang Queen of All Media sa kanyang latest post.

Sa pagkakataong ito hindi tungkol sa sarili niya ang sentro ng galit niya kundi para sa kanyang ate.

Nagbabanta na si Kris na kapag na-provoke siya at masaktan nang todo ang kanyang Ate ay hindi siya mangingiming lumaban.

“She’s a Queen with a little bit of savage,” ang post na mensahe ni Kris sa kanyang Instagram wall at saka sinundan nito ng isang message caption na naglalahad ng kanyang galit at pagbabanta sa mga umiintriga sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang favorite Ate.

“This is a simple, CLEAR & REAL message. In our family, I love my siblings. BUT believe it is obvious – my ate is my FAVORITE. By Ate I mean our eldest, we only have 1 ate, everyone else is first name basis only…

“I could go into a super long story, but this is just an example of my life’s truth-come what may, even at my worst – she still loved me,” paunang hirit ni Kris.

Inamin ni Kris na itinakwil siya ng kanyang pamilya dahil sa hindi matanggap na love affair niya sa isang taong hindi na niya tinukoy.

Pero hindi naman lingid sa kaa­laman ng lahat ang kontrobersiyal na pakikipag-live in niya noon sa action star na si Phillip Salvador.

Pero ang kanyang ate ang unang miyembro ng pamilya na dumamay sa kanya.

“It’s not a secret I was disowned, but when I gave birth to Kuya Josh she was my 1 sibling who was there in the hospital. That’s how she is – she has loved me unconditionally. No judgment, just a reassurance that I’d never be alone because she always believed I’d manage to right my life wrongs – that is FAITH.

“So this is me saying­ – HURT HER by spreading­ more unfounded­ lies about her and her husband and you will really­ push me to my very worst,” patuloy na sabi pa ni Kris.

May naninira raw sa kanyang Ate at asawa nito na siyang dahilan ng galit at pagbabanta ni Kris.

“I mean it when I say for my ate I will take a bullet. Or worse, make the worst nightmare to all Aquino­ haters come true.”

Source: AbanteTonite

No comments:

Powered by Blogger.