GOOD NEWS: DSWD, Nakatanggap Ng P60 Million Tulong Mula Sa Australian Gov't


Sa pagbisita ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull sa Pilipinas para sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit. Sumaglit ito sa National Resource Operation Center ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Pasay para magbigay ng donasyon.

Ang donasyon ay binubuo ng tents, kumot, sleeping mattress, kulambo, laruan at multi-purpose malong. Ang isang bahagi ng tulong pinansyal ay nagamit na para maipagpatayo ng bagong warehouse noong nakaraang taon. Ang mga tulong na ito ay kasama sa P124.9 million grant ng Australia para sa mapahusay ang disaster response ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni DSWD Officer in Charge Emmanuel Leyco ang pamahalaan ng Australia.

“We welcome the Australian government’s continued support. With Australia’s assistance, the DSWD has strengthened its disaster response by implementing more efficient systems – and reaching people in need more quickly,” sabi ni Leyco.

Nang dahil sa pagbisita ng iba't-ibang lider sa bansa natin para sa ASEAN 2017, sunod-sunod ang tulong na natanggap ng Pilipinas mula America ($101M Fund), Japan (PNP SUV), Vietnam (4000 sack of rice) hanggang Australia (P60 Million DSWD Fund). Nakakalungkot lang na may mga mambabatas na mabilis pa sa alas-kuwtro kung pumuna.

No comments:

Powered by Blogger.